pola
enero 16, 1987
self-proclaimed na mabait
magaling kumanta sa panaginip
marunong tumugtog ng piano, flute, bandurya at sana pati gitara
minsang pinangarap na maging isang sundalo
gustong maging doctor pero ang kinikuhang kurso ay communication arts
takot magsalita sa publiko, hindi marunong magsulat ng kahit ano at higit sa lahat hindi marunong umarte
mahilig mag daydream
nagpapanggap lang na tao sa totoo isang alien from outer space na pinag-aaralan kung paano mabuhay ang mga tao at nagpaplanong sakupin ang earth
nangangarap na maging isang bayani, superhero o rockstar...hehehe
balang araw magiging in demand ang pirma niya at lahat ng tao ay magnanais na magkaroon ng litrato niya
kalahating Lagunense kalahating Kapampangan
purong Pinoy
anak ng kanyang mga magulang
kapatid ng kalikasan...

   

<< January 2012 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31



THE NEXT BIG THING




If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



Sunday, May 01, 2005
nasan na ang baga ko?

pucha, may sakit ako, alam nyo ba un?

may sakit ako, anak ng... tinatablan pala 'ko nun.

pero bakit? ang hirap kaya ng may sakit. pakiramdam ko, bawat pag-ubo ko eh kasabay na matatanggal ang baga ko. leche kasing panahon 'to eh, pag di ka nag-electric fan, pagpapawisan ka na para bang wala ng bukas, pag naman meron eh paggising ko eh, masakit na ang lalamunan ko. leche talaga.

pinagtatawanan pa'ko ng magagaling kong mga kaibigan. tama ba naman yun, may sakit ka nga eh, pagtatawanan ka pa. pero oks lang naman eh, ganun lang yata silang magmahal ng kaibigan, kakaiba.

sabi pa nung isa kong friend baka naman daw sobrang liit na ng baga ko o kaya naman eh wala na talaga. pucha naman, kahit papaano eh meron pa naman siguro.

dahil din sa ubo at sipon na'to, ilang araw din akong di makapag-yosi. anak ng tinapang duling, miss ko na 'to.

hay naku... sana gumaling na'ko.


Posted at 08:39 pm by pola
pansinin mo ako...  

Tuesday, April 26, 2005
RITRATO...

family picture... :)



no smoking!!!


Posted at 11:38 am by pola
pansinin mo ako...  

Monday, April 25, 2005
buhay pa'ko

ilang buwan na rin ang nakakaraan nang huli akong mag-post dito sa blog ko. bakit nga ba ang tagal kong nawala?

kasi tinatamad akong mag-post at medyo iba ang pinagkakaabalahan ko. tapos medyo di ko malaman kung anong ikukwento ko dahil sa sobrang dami ng mga nangyari sa'kin.

medyo nasa senti mode din ako at ang nakakahiligan ko eh ang magsulat ng kung anu-ano sa papel as in tipong handwritten < yes, i know. this is so not me...hehehe> o kaya naman eh magsalita nang magsalita ng may recorder. yup, you heard it right, nirerecord ko ang sarili kong boses kasi wala lang, naaaliw ako.

madalas din akong mag-movie marathons, lagi rin akong nasa video city na matatagpuan lamang sa tapat ng bahay namin, napaka-convenient, d ba?

isa pa sa mga trip ko ngayon eh ang magyosi. hehehe. yosi as in to the nth level na. madalas akong magyosi sa kwarto ko o kaya eh sa balkonahe namin na lately ko lang na-realize na ,shet, kitang-kita pala ako ng mga taong dumadaan at ng mga katapat-bahay namin < including video city kung saan nagmumul-og ang bago kong crush dahil dun siya nagwo-work>. pero oks pa rin naman.

medyo madalas din akong mag-isip ng kung anu-ano tulad ng paano kaya ako makakatulog ng maaga kung di naman ako dinadalaw ng antok at kung ano bang magandang kulay ang pwedeng ipinta ko sa kwarto ko.

basta ang dami-dami talagang nangyari ngayon at gusto ko lang sabihin na di na'ko masyadong umiinom, 3 beses pa lang simula ng magbakasyon up to now.

i'll try na i-update 'to ng mas madalas at marami pa akong mga kwento. ipo-post ko rin siguro ung mga pinagsususulat ko kapag nagse-senti ako...hehehe. na-realize ko rin pala na ang mushy-mushy ko talaga, di ko maiwasan eh. magpo-post din pala ako ng magagandang pics ng aking everdearest friends para naman maaliw kayo.

basta hanggang sa susunod na lang ulit.


Posted at 08:35 pm by pola
pansinin mo ako...  

Sunday, February 27, 2005
inuman session



ang inuman na naging kainan session...

Menu
-lumpiang matataba
-tocinong nalaglag
-luncheon meat na tostado
-corned beef na walang buhay

kahit ano pa man ang pagkain, basta magkakasama, masaya pa rin.

Posted at 11:32 pm by pola
pansinin mo ako...  

Thursday, February 24, 2005
ewan ko ba

ang gulo ko talaga, ang dami-daming kung anu-anong bagay ang nag-iinikot sa isipan ko. di ko tuloy alam kung anong gagawin, nakakalimutan ko din naman kasi agad eh. minsan binalak kong magdala ng recorder sa kahit saang lugar ako pupunta para lam mo yon mai-record ko ung mga iniisip ko, so instead na isipin ko lang, magsasalita na lang akong mag-isa. ang weird ko talaga, putek naman oh.

kaninang umaga habang nakahiga ako sa kama, naiisip ko shet sira na ang buhay ko kasi pinili kong sirain, ewan ko ba kung bakit un ung iniisip ko eh umagang-umaga pa naman, ah ewan.






Posted at 12:19 am by pola
Comments (2)  

Wednesday, February 23, 2005
FULL VOLUME

hehehe. ang saya ng full volume concert kagabi kahit na medyo na-bad trip ako, oks pa rin. tuwang-tuwa talaga ako kasi kapag pala sa social garden ung concert, mas ok kasi within your reach na ung mga banda, mga 2 meters away lang yata.

sulit din ung cd, di ko na mabilang kung ilang beses ko ng pinaulit-ulit patugtugin un eh. ang ganda talaga. di ko na nga binitawan simula nung ibinigay un kagabi.

da best talaga...
 
sugar free
typecast
coffee break island
hale

san ka pa?




Broken Sonnet

(Roll Martinez)

 

And now I concede
On the night of this fifteenth song
Of melancholy, of melancholy
And in this next line
I’ll say it all over again
That I love you, I love you.

I don’t care what they say
I don’t care what they do
‘Cause tonight I’ll leave my fears behind
‘Cause tonight I’ll be right at your side.

Lie down right next to me
Lie down right next to me
And I will never let go
Will never let go.

The clock on the TV says 8:39 PM
It’s the same, it’s the same
And in this next line
I’ll say it all over again
That I love you, I love you.

I don’t care what they say
I don’t care what they do
‘Cause tonight I’ll leave my fears behind
‘Cause tonight I’ll be right at your side.

Lie down right next to me
Lie down right next to me
And I will never let go
Will never let go.

I’ll leave my fears behind
‘Cause tonight I’ll be right at your side.

Lie down right next to me
Lie down right next to me
And I will never let go
Will never let go.

But still I see the tears from your eyes
Maybe I’m just not the one for you.



astig ng kantang 'to by HALE. kahit paulit-ulit pakinggan, di nakakasawa.


Posted at 08:48 pm by pola
Comment (1)  

Saturday, February 19, 2005
diliman adventure

February 18, 2005

07:00 am ------- twice akong ginising ni daday pero di ako bumangon so i was absent for my math 11 class <na naman>
10:30 am ------- bumangon na'ko <at last>
11:00 am ------- i decided to take a bath
11:20 am ------- nagbihis at naghanda
12:00 nn  ------- naglunch kasama si meryll
01:00 pm ------- pumasok sa span 1 class
02:00 pm ------- umuwi ng dorm at naghanda ng mga dadalhin sa pagluwas
02:40 pm ------- umalis kami ni meryll
                         i don't remember the exact time na nakasakay kami ng bus
past 5 pm ------- dumating kami ng megamall
                         first stop - the bead shop - nagpa-pierce kami sa tenga
                         then kumain kami ng bread sa breadtalk
06:30 pm ------- umalis na si meryll
                         naiwan akong mag-isa
                         naglibot-libot habang iniintay si nigel
07:40 pm ------- dumating si nigel
                         kumain muna siya
by 8 pm   ------- sumakay kami ng bus na CUBAO pero bumaba din kami agad dahil nabasa ko ung text ni jenn na SM FAIRVIEW/PHILCOA na bus daw ung sakyan namin
08:30 pm<?> -- nasa PHILCOA na kami, looking for jenn sa rowd

di ko na alam ung exact time ng mga sumusunod na pangyayari...

            dumating kami ng UP, dumaan ng MOLAVE dorm, naglakad papuntang Sunken Garden, nakita ang mahabang pila ng mga bumibili ng tiket para sa fair, naghanap ng kakilala sa mahabang pila ng bumibili ng tiket para sa fair, nakakita ng kakilala si jenn, nagpabili na kami ng tiket kay mike na kakilala ni jenn <isang tiket lang dahil si nigel na lang naman ung walang tiket eh>, nakabili ng tiket si mike, pumila na kami at nakapasok sa fair, dumaan sa booth ng UP Dakila, ipinakilala kami ni jenn sa mga orgamates niya, konting gala, nagtagal sa may wall climbing, bumalik sa booth ng UP Dakila, bumili ng beer (pale pilsen) sa katabing booth <libre ni nigel>, umupo sa upuan sa tagiliran nung booth na binilhan namin ng beer, nag-inuman sabay kwentuhan, pagkatapos uminom bumili si jenn chibox <share kaming 3 sa 1>, gala ulit, nagpunta ulit sa may wall climbing pero this time nakapila na kami <libre ko>, tumutugtog na ang sponge ola pero di ako makaalis sa pila kahit gustung-gusto ko nang tumakbo para masilayan si yael my love dahil ayoko namang iwan sina nigel at jenn so sabi ko na lang masaya rin un dahil habang nagwo-wall climb kami, sponge cola naman ung tumutugtog, so nagwall climb si nigel, ang bilis nya, astig, tapos ako na muntik ko pa ngang di maabot ung dulo dahil medyo nawala ako nung medyo mataas na pero ayos pa rin di ako sumuko and i reahed the top, then si jenn na, astig din naabot din niya ung top, balik ulit sa booth ng UP Dakila, nagyabang muna si jenn na nag-wall climb kami, punta sa may gitna kung saan nagco-concert, nood muna, nag-stay kami dun hanggang natapos tumugtog ang 6cyclemind, balik ulit sa booth ng UP Dakila, bili ng water sa katabing booth, ikot sa iba't ibang booth, naghahanap ng anklet si nigel, ilang ikot, pabalik-balik sa mga booth, bumili si nig ng anklet, bumuli ako ng anklet, we deided na kailangan namin ng souvenir so bumili kami ng shell neklace <libre ni jenn>, balik na naman sa booth ng UP Dakila, umupo sa damuhan sa may malapait sa booth ng UP Dakila, kwentuhan sabay yosi, umalis na ng fair, pumunta sa MOLAVE dorm, nagstay dun sa "di ko alam ang tawag" part ng dorm tapos lumabas din after a few minutes,nagpiture-taking ng konti, bumalik ulit sa fair, on the way, may narinig kaming mga ibinabato tapos may nagmumura pa, kinabahan kami kasi baka magka-rumble pero wala lang naman pala, medyo umupo muna kami dun sa benh ng isang booth, nagtutukatok na kaming lahat kaya umalis na lang kami at pumuntang PHILCOA, pumasok ng mdo kasimagbe=breakfast sana pero nagbago ang aming mga isip kaya tumambay na lang kami don, nagpiture-taking ulit sa phone naman ni nigel < na-empty battery na kasi ung digicam ko>, after non konting kwentuhan, si nigel, antok na antok na talaga, ang pula na ng mata...

05:45 am ------- umalis na si nigel, sumakay daw sya ng fx pabalik ng manila
                         naiwan kami ni jenn, natulog na lang kami sa mcdo
06:4+ am ------- nagising ako, nagising na rin si jenn, umalis na kami, sumakay ng bus na CUBAO <si jenn nga pala ung nagbayad>, bumaba kami ng tritran pero walang bus na STA. RUZ kaya naglakad kami papuntang terminal ng HM, medyo mahabang lakarin pero ok lang, nakarating kami, nagpaalaman kami, sumakay na ako ng bus at umalis na si jenn pabalik ng UP
09:05 am ------- bumaba na ako sa olivarez at sumakay ng jeep papasok ng UPLB
                         nakipagchikahan muna kina mia at bea sa dorm
mga 10:00 am - naligo na ako tapos nagbihis at nagbyahe na pauwi ng bahay
12:00 nn yata -- nakarating ako ng bahay ng maluwalhati
                         success ang aking first trip "alone" hehehe

Posted at 10:14 pm by pola
pansinin mo ako...  

Thursday, February 17, 2005
isang thursday afternoon

nandito ako ngayon sa bahay namin pero dapat hindi. i still have classes but then i decided to come home para kumuha ng money if ever may makukuha nga ako. so instead of finding something na dadalhin ko para sa show and tell activity namin sa psy1, sumakay ako ng jeep at nagbyahe pauwi. sabi ko, aalis ulit ako ng 2pm para umabot sa 4pm class ko pero hindi ako umalis. as of now eh, nasa isa na naman akong crossroad, kung babalik pa ba ako ng LB o d2 na lang ako matutulog sa bahay. pero i guess, nanalo ang aking urge na bumalik sa LB dahil this will be my last night para ma-enjioy ang fair at para makapagpa-henna tattoo na rin. so yun, by 4pm aalis na'ko.

hanggang dito na lang, makikipagkwentuhan muna ako sa baba...


Posted at 02:49 pm by pola
pansinin mo ako...  

Monday, February 14, 2005
red horse pag linggo

happy puso, mga tol...

lasing na naman ako ngayon, syempre pa ang mga dakilang classmates ko pa rin nung highschool ang mga kainom ko. wala lang. mas natutuloy talaga ang mga gimik pag walang plano. trip lang naming uminom kanina kaya eto lumilipad na naman ang isip ko at kahit gustong-gusto nang pumikit ng mga mga mata ko, eto pa rin ako at nagsusulat ng entry sa blog. iba talaga pag may tama.

nakaubos kami ng 11 bote ng red horse at apat lang kaming umiinom kaya for sure lahat kami ay bangag-bangag na naman. kasi naman eh.

shet, di ko na talaga kaya. hanggang sa susunod na entry na lang, kailangan ko na talagang matulog.

Posted at 12:44 am by pola
Comment (1)  

Friday, February 11, 2005
HALINA'T MAGPAKA-SENTI

Ngayon naglalakad ako at sa aking paglalakad ikaw pa rin ang laman ng isip ko.. Ang mukha mo na paulit-ulit na bumabalik sa mga ala-ala ko; ang iyong matatamis na ngiti, magagandang mga mata na para bang nangungusap sa tuwing titignan kita, ang iyong matutunog at masasayang halakhak na nagsisilbing musika sa akong tenga, ang iyoing malalambot na mga kamay na siyang pumapawi ng mga kaba at para bang nagsasabing ang lahat ay magiging maayos, maganda sa tuwing dadampi ang mga ito sa aking palad. ang lahat-lahat sa'yo ay alam ko pa, hindi ko maalis sa aking ala-ala.

Umuulan ngayon, unti-unting pumapatak ang bawat butil tulad ng mga luha ko ng iwan mo'ko. Di ko alam kung anong nangyari basta bigla kang nawala, lumayo at tuluyan nang naglaho. Masakit, napakasakit talaga pero kailangan kong tanggapin na wala ka na; na ang mga pinagsamahan natin ay magiging ala-ala na lang.

Gusto kitang habulin at ibalik ang dati. Gusto kitang hanapin. Gusto kitang mayakap muli. Gusto kitang gisingin dahil baka binabangungot ka lang. Pero mahirap habulin ang taong sadyang lumalayo. Mahirap hanapin ang taong nagtatago. Mahirap yakapin ang taong ayaw na sa'yo. Mahirap gisingin ang taong ayaw magpagising. Mahirap ang buhay na wala ka.

Araw-araw, tinatanong ko ang sarili ko kung bakit, kung paano. Wala akong maisip na dahilan pero wala nga ba o baka di ko lang kayang tanggapin ang katotohanan kaya patuloy ko itong iniiwasan, tinatakbuhan? Nais kong makita; gusto kitang su
mbatan, sigawan ngunit nalalamn ko sa akin na ang mga ito ay i ko magagawa. Dahil kapag nakita kitang muli, mawawala ang galit, ang lahat ng sakit. Masilayan ko lang muli ang iyong mukha, tatalon na sa saya ang puso ko.

naiinis ako sa sarili ko, di ko man aminin, alam ko na hanggang ngayon mahal pa rin kita.

Mahal  na mahal.


Posted at 06:47 pm by pola
Comment (1)  

Next Page